Isang beses sa isang taon kung umuwi si Lance. Kadalasan ay tuwing Disyembre, kaya laging masaya ang katapusan at simula ng taon ko. At nitong huling Disyembre lang, habang papasapit ang bagong taon, dinala niya ako sa simbahan kung saan ikinasal ang kanyang mga yumaong magulang. Akala ko ay magsisimba lang kami, ngunit nang matapos ang misa, tumunog ang kampana at inawit ng koro ang klasikong awitin na “Minsan Lang Kitang Iibigin”. Niyaya niya akong magpakasal.
Habang wala si Lance ay abala ako sa paghahanda para sa kasal namin sa darating na Disyembre. Araw-araw ay nagsisimba ako sa paborito niyang simbahan, nagrorosaryo nang nakaluhod papunta sa altar, at pagkatapos ay magbabasa ng bibliya kung saan nakaipit pa rin hanggang ngayon ang isang petalya mula sa mga rosas na ibinigay ni Lance sa akin sa aming unang anibersaryo. Binuklat ko sa 1 Corinthians 13:4-8 ang bibliya, “Love is patient, love is kind…” may nahulog na papel. May nahulog na sulat.
Nabasa ng hindi maubos-ubos na luha ang aking salamin sa mata. Malabo ang lahat. Pumikit ako. Nakita ko ang dagat. Kasing lamig at alat ito ng aking mga luha; kasing lalim ng aking pighati; at magiging kasing walang katapusan ng aking paghihintay kay Lance. Kung darating pa siya.
Nakarinig ako ng mga yapak ng kombat buts…
Tapos isang malakas na putok.
At nasundan ito ng pag-ulan ng maraming bala.
(This is an exercise on writing romance stories. Initially submitted in my Fil150 class.)
No comments:
Post a Comment