Here is the proposition: May quota ang pag-ibig. Sa bawat limang umiibig, isa lang ang magiging maligaya. Ang iba iibig sa di sila iniibig. O iibig nang di natututo. O iibig na wala. O di iibig kailanman. Pero merong isa sa lima, harangan man ng kulog, ng ganid, ng lindol, ng teknolohiya, mahahanap niya ang kanyang mahal. Siya lang ang magiging maligaya.
KASAMA KA BA SA QUOTA?
Una kong nabasa ang librong Para Kay B noong sophomore ako, 'walang kwenta naman 'to' ang walang pusong opinyon ko tungkol sa libro. Kaya naman talagang nabigla ako nang malaman ko na gagawan ng play ng Samasining ang nasabing libro. Ipinalabas na siya last year, pero ipinagkibit balikat ko lamang ito. But I gave it a chance this time. Bakit hindi? Sabi ko.
---
Para Kay B ni Ricky Lee |
---
Paano mo ba naman hindi mapapansin ang makukulay na mga post-it na ito? Para kay Ate Ahlee Del Rosario, ang publicity head ng produksyong ito, napakagaling mo! Habang binabasa ko ang mga nakasulat sa makukulay at mumunting loves notes, nakaramdam ako ng iba't-ibang emosyon. Kilig. Saya. Tuwa. Lungkot. Inggit. Awa. Indifference pa nga.
Ngayon ko lang naintindihan ang pag-ibig. At isa pala akong estranghera sa konseptong ito. Kung makapagsulat ako, parang eksperto ako sa paksang ito, pero hindi, dahil ang pag-ibig ay hindi tungkol sa isip, kundi sa puso. Mababaw, immature, isip-bata; masakit sa ulo, puso, at bulsa; tanga, bobo, manhid, walang kwenta; paasa, traydor, manloloko; bwiset, hinayupak, putang ina, lahat-lahat na. Pero bakit marami pa ring nagmamahal? Bakit sa kabila ng lahat ng ito ay marami pa rin ang sumusugal?
May iba't-ibang klase raw ng pag-ibig.
Para Kay Great Love at Para Kay Unrequited Love
Sa buhay, hindi raw ang Great Love ang nakakatuluyan natin kundi ang Correct Love. Habang buhay ka namang paaasahin ng Unrequited Love. Kaya mabuting kay Correct Love ka na rin lang. Napakasaklap, hindi ba? Gayunpaman, at one point or another in our lives, pinangiti nila tayo, at syempre, pinaasa.
Kaya't Para Kay Correct Love, wag kang mabahala, dahil walang mali tungkol sayo. Correct love nga diba?
Wag ikumpara ang great love sa imaginary number! Mayroong isa, ngunit nagkataon na hindi siya para sayo. (Baka kasi para sa'kin, diba.)
Ica, hindi. talaga. kayo. pwede. Period. Wala nang sigu-siguro. (Bati tayo ha.)
Para Kay Crush at Para Kay Secret Love
Sila naman ang nagbibigay sa atin ng premature ventricular contractions, yung tipong magdadasal ka na sana magunaw na lang ang mundo dahil hindi mo na alam ang gagawin mo kasi paparating na siya. Sila rin ang motivation mo para pumasok sa klase o kaya pumunta sa GA ng org. Full-time stalker ka rin kaya ang gusto mong power ay invisibility para kaya mong titigan si crush o secret love sa gusto mo. Kasi pag nandyan siya, feeling mo hindi sapat ang hangin sa mundo.
Malamang wala na nga kasi sumuko ka na. Aba, mag-isip.
G, pano kung hindi ka maka-graduate? What if lang naman.
Para kay It's Complicated at Para Kay eX at Capital S (sawi)
Ang pinakamagulo at pinakamasakit sa lahat. Kaya mabuting umiwas. Ngunit paano? Tanungin niyo si Ricky Lee. Wag ako, pagkat duwag ako sa pag-ibig.
Mil-star-star-star, pumayag ka rin eh.
Para Kay Sorry, pakitingnan yung konsensya mo, baka naiwan din.
---
The cast of Para Kay B |
---
Sino nga ba ang nakasama sa quota?
Sila Jordan at Irene. Sila ang nakasama sa quota.
"Paglaki mo pakakasalan kita."
OO, KASAMA AKO SA QUOTA.
Yen! Patulog na lang ako, napadpad pa ako sa blog mo. Hihihi. Nakaphone lang ako pero talagang pinilit ko basahin 'tong entry na 'to. Super interesting, tinamaan ako! Hahaha!
ReplyDeleteHappy Love Month, Jan! Single or not, be happy! Thanks for constantly dropping by my blog. :)
DeleteHappy Love Month to you too, Yen! I love reading your blog ;) sorry, madalas ata ako magcomment, hihi.
DeleteHey, Jan! No worries, I appreciate each of your comments. At least may pumapansin sa blog ko diba. So thank you! :)
Delete