"A blog is a personal diary. A daily pulpit. A collaborative space. A political soapbox. A breaking-news outlet. A collection of links. Your own private thoughts. Memos to the world." - Anonymous

Monday, March 12, 2012

Ibang klaseng umaga

Astig ang araw na ito dahil:

* Pumasa ako sa taste ng napaka-intimidating na si Patricia Evangelista. Oo, I got into Storyline! Sa wakas, matitikman ko na rin ang hangin sa ABS-CBN.
Tip sa mga nais ring sumabak sa interbyu sa Storyline: come prepared with as many as possible information about Storyline. Mag-research. Kumbaga, know their bible.

* Napakalayo ng narating ng commuting skills ko. Galing Quezon Avenue sa QC, biruin niyong nakarating ako sa CCP at PICC sa Pasay. Huwaw sa architectural at interior design ang mga ito. May ibubuga naman pala.
Fun part: sa wakas ay naranasan ko na rin ang pagtirik ng MRT sa tapat ng SM Megamall. Dahil paranoid ako, akala ko may bomba sa loob ng tren at end of the world na.. Eto, buhay pa rin ako at nagboblog.

* Umalis ako ng Los BaƱos na hindi kumakain ng kahit na ano, bumalik ako na hindi pa rin kumakain. Pang-Guinness diba! Ay OA na.
Disclaimer: may free 240ml Milo-in-can pala sa may Vito Cruz LRT Station. Performance booster ata iyon, basta bagong bersyon siya ng Milo. Or upgraded ba ang tawag. Leche, ewan.

* Napagsalita ko ng ingles ang nanay ko, sabi niya: "I AM VERY PROUD OF MY DAUGHTER." Iyak.
Ma, ako rin. Very proud din ako sa sarili ko. Nakaparami kong hinarap at hinaharap na problema mag-isa. Kung sa ibang tao sila binigay, malamang hindi nila kakayanin. Salamat dahil pinalaki mo kong ako ang nagpapalaki sa sarili ko. 

* At nagsulat ako sa Filipino, well for the most part.

4 comments:

  1. Congratulations, Yen!!

    And wow, nasa Manila ka lang pala kanina?? I was in Shang lang the whole time from 10AM until 2PM. Sayaaaaang!!

    ReplyDelete
    Replies
    1. Hi, Jan! I actually read your tweet that you were gonna be in Shang but I was running here and there din so I thought hindi rin naman kita mamemeet. We can set a schedule for us to meet and hang out though. Hopefully! ☺

      Delete
  2. I'm soooo proud of youuu! Sabi na nga ba, YOU'LL GO TO PLACES! Just don't give up! >:D<

    ReplyDelete
    Replies
    1. Tween, I owe you a huge part of my confidence! Thank you for believing in me.. Those words you said, they motivated me. I think nahawaan mo rin ako ng optimism so thaaaaaanks! I miss and love you. You know that! ☺

      Delete